Tuesday, June 21, 2016

Paano gumawa ng Facebook Account?

Paano gumawa ng Facebook Account?

Ano ang Facebook? Ang facebook ay ang pinaka tanyag na online social media website sa Pilipinas. Halos lahat na yata ng Filipino bata man o matanda ay mayroon ng facebook account. Sa tulong ng Facebook mas madali na tayong makipag ugnay at makapagbahagi sa ating mga kaibigan at pamilya online. Ito ay ginawa ni Mark Zuckerberg noong 2004 habang siya ay nag aaral pa sa Harvard University sa America.  Ang Facebook talaga noon ay ginawa lang para sa mga studyanteng kolehiyo doon, pero ngayon halos lahat na ng tao 13 anyos pataas ay pwede ng gumamit ng Facebook, at mayroon ng isang bilyong tao na gumagamit sa buong mundo.



Hakbang kung pano gumawa ng Facebook Account

  1. Magbukas ng kahit na anong web browser tulad ng google chrome, mozilla fire fox, safari browser or internet explorer.

    Paano gumawa ng Facebook Account?
  2. Pagkatapos mag open ng web browser. I-type niyo sa may address bar yung website ng facebook "http://www.facebook.com".



  3. Kung mapapansin niyo sa home page ng facebook, nandoon na yung form na lalagdaan o ipipil-up makikita nio sa baba ng "Sign Up It’s free and always will be. Sa  "First name" i-type nio yung pangalan niyo, sa "Last name" apeliyido, sa "Mobile number or email" dito namn itata-type ang inyong cellphone number o email address, sa "Re-enter mobile number or email" i-type niyo lang ulit ang cellphone number o email address ninyo, sa "New password" naman itata-type ang magiging password mo, Magpasok ng isang kumbinasyon ng hindi bababa sa anim na mga numero, at mga titik o mga bantas (tulad ng ! At &). Sa "Birthday" naman pipili ka lang ng "Month" buwan, "Day" araw, at "Year" taon kung kelan ka pinanganak, at sa huli pumilng kasarian mo sa pamamagitan ng pag click sa bilog. "Female" kung babae at "Male" naman kapag lalaki.


    Tandaan: "dapat valid o tunay at sainyo ang mobile number o email na irerehistro niyo sa facebook para sa confirmation pag katapos mag sign up sa facebook.
  4. Pag nalagdaan na at sigurado ka na sa lahat ng inpormasyon na nilagay mo, pindutin mo na ang kulay berde na "Sign Up" button.
  5. Pag naka sign up ka na sa facebook susunod na gagawin mo ay i-confirm ang iyong mobile number o email address. Mag sesend ang facebook ng confirmation link at confirmation code sa iyong mobile number o email address na inilagay mo. Ito ay para kumpermahin kung sayo ba talaga ang mobile number o email address na ginamit mong pag rehistro sa facebook.
    Paano gumawa ng Facebook Account?

    Paano gumawa ng Facebook Account?
  6. Pag nagawa mo lahat ng hakbang na nasabi sa blog na ito. Binabati kita! Meron ka ng valid na facebook account ! :)